saktong
habi ng mara clara ang mga mumunting lihim. lahat ng lihim na mayroon sa
pagitan ng apat na magkakaibigan ay itinala ni mariel sa kanyang bolyum-bolyum
na mga talaarawan. wala itong pinagkaiba sa order ng mara clara kung saan ang
diary ni kardo ang ikatlong karakter… ang kay mariel (judy ann santos) naman
ang susi sa pagkakaungkat ng mga isyu sa pagitan niya at kanyang 3 kaibigang
sina carly o carla (iza calzado), sandra o sandy (agot isidro) at olive o
olivia (janice de belen). naiba lang ang pelikula sa teleserye dahil sadyang
ibinigay ni mariel ang kanyang mga diary kay carly… di na kailangan pang
tumakbo ang istorya ng 5 taon.

flashback
ang atake ni reyes na ok naman pero kitang-kita ang inspirasyong galing sa sex
and the city sa mga eksenang nagsisikain at lakad nang lakad ang mga karakter. maayos
naman bakgrawnd ng bawat karakter at ang muling pag-ikot ng kuwento sa simula
ay naihatid. sa huli, ang mga mumunting lihim ay naging matagumpay dahil sa krispong
mga hirit at talento ng apat na aktres. si iza calzado ang nasa gitna ng
tunggalian. bagamat kaunting hamon lamang ang ibinigay sa kanya bilang carly, saktong
timpla ng matapang na babae at kaibigang nasaktan ang aking nasaksihan. bagay
kay agot isidro ang kanyang sandra na matapobre at biglang yaman. di siya
bumitiw sa karakter maging sa mga eksenang di niya kailangang magsalita.
sinadya
ni reyes na si judy ann santos ang mariel ng pelikulang ito. siyempre komersyal
ang bakgrawnd niya kaya kailangan ng isang malaking pangalan. ang kaibahan
lang, hindi siya ang api-apihan dito. ang kanyang mariel ang pinagmulan ng mga
isyung di naman talaga isyu kung tutuusin at nagawa niya ito ng buong husay. malkontentado
sa buhay, puno ng hinagpis at malapit nang mamatay, mahusay si juday. pero ang
agaw-eksena ay si janice de belen. alam na ng lahat na magaling na aktres pero
sa mga mumunting lihim, nalimot kong si janice ang nakikita ko at naglaho sa
likod ni olive ang personalidad. ok lang na talunan siya sa kanilang apat pero
kwidaw sa kanyang mga sinasabi at swak na swak ang pagganap ni de belen.
maaaring
mas naging matagumpay ang pelikulang ito kung hindi si joey reyes ang direktor.
maganda kasi ang tema. pero magandang simula para sa kanya. ok na rin na
pampalipas ng nakababagot na biyernes santo.
No comments:
Post a Comment