pagkatapos ng tatlong araw na paghahanap, natagpuan na ang kalihim ng DILG na si jesse robredo. ngunit, taliwas sa hinahangad at pinagdarasal ng maraming mga pinoy na ligtas at buhay pa siya, pumanaw na nga ang dating alkalde ng lungsod ng naga.
pinagkalooban ng gawad ramon magsaysay para sa mabuting pamamahala si robredo at nagsilibing alkalde ng naga sa loob ng halos dalawang dekada. isa siya sa iilang mga lider sa maruming pulitika ng pilipinas na may integridad at nagsabuhay ng pagiging isang tunay na tagapaglingkod at pinuno. bukod dito, tumanggap din siya ng pagkilala sa dangal ng bayan, ang pinakamataas na gawad para sa mga opisyal ng gobyerno na ibinibigay ng pamahalaan upang kilalanin ang kapuri-puring serbisyo publiko. sa kabila ng matagal na panunungkulan, nanatiling simple ang pamumuhay ng mga robredo. sabi pa nga ng mga taga-naga, madaling lapitan si robredo at di ito nanungkulan sa likod ng mga hagad o nangahas na paunlarin ang sarili mula sa kaban ng bayan.
sa dami ng kailangang linisin sa gobyerno, nabawasan pa ng isang mabuting servant leader ang gabinete ni pnoy. nakalulungkot pero kailangang humanap ulit ng makatutulong sa pagkakamit ng daang matuwid. tanong nga ng marami sa facebook, sangkaterba ang mga pulitikong buktot, kawatan at walang katorya-torya, bakit si robredo pa ang naunang sumakabilang-buhay?
sana'y tularan ng maraming mga pulitiko ang ehemplo ni sec. jesse.
No comments:
Post a Comment