tradisyon na nga sa aydisi pinas ang all-pinoy christmas party. siguro kasi inugat na nga ako rito, kasama nina mam kr at mylene, kaya tuluy-tuloy pa rin ang potluck party kada huling araw ng pasok bago magbakasyon. kaya ayun, kahit madalian ang preparasyon, natuloy pa rin ang mmajj awards. may mga special awards pa rin. ubos-energy ang walang kamatayang payabangan pero lahat ay masaya, lalo na nga't may something balik-alindog pa.
siyempre, highlight ng buong araw ang sangkatutak na pagkain. mula sa maalamat na caldereta ni tita jo hanggang sa kare-kare ni alon, spaghetti ni royd, tapsilog ni helli at arms, sisig ni madam elke, pati na ang mango float ni duy at ang leche flan ni ivy, busog ang lahat sa dami ng pagkain at linamnam ng mga ito. idagdag mo pa ang bagoong rice ni emma, becky's brownies ni ate lyn, absolut ni joseph, chips mula kay mam kr at ang pichi-pichi ni alice. ayos ang buto-buto.
di rin mawawala ang mga regalo para sa lahat. bukod kasi sa kris kringle, nakagawian nang magbigay ng little somethings sa lahat. merry christmas!
No comments:
Post a Comment