simula na
kagabi ng simbang gabi. sa national shrine of the sacred heart of jesus ako
nagsimba. di pa gaanong marami ang tao. siguro kasi sabado nga. madalas kaysa
hindi, puno ang simbahang ito kapag linggo, di gaano ‘pag sabado.
pasado
alas-8 na nang magsimula ang misa. simbang gabi ang panimulang kanta. inabangan
ko ang homiliya ng pari, lalo na nga ito ay manggagaling sa kura paroko mismo.
sa halos apat na taon ko sa pagsisimba rito, malinaw at direkta sa punto ang
mga homiliya nito. walang pabulaklak at palagiang may malinaw na awtlayn.
ngunit kakaiba ito kagabi. may mainit-init pa raw na mga pahatid na mensahe ang
ating bagong kardinal na si luis antonio tagle at ang tagapangulo ng mga
samahan ng mga obispo sa pilipinas. sulat ito tungkol sa walang kamatayang
usapin ng RH bill. imbis na tumalakay ng mga bagay na makatutulong sa
pang-araw-araw na buhay ng maninimba, binasa lamang ni father ang dalawang
sulat. ‘yun na ‘yun para sa homiliya.
muli, ang paglaban
ng simbahang katoliko ay balido dahil ito ay kanilang sariling paninindigan. nirerespeto
ko ito. ngunit hindi ito dapat maging sentro ng misa lalung-lalo na sa simula
ng taunang simbang gabi. may ibang benyu para sa kanilang mga argumento tulad
ng pangmadlang midya. ang porum para rito ay hindi sa gitna ng banal na misa. sa
ganang akin, sapat na ang pagbibigay-gabay ng mga pari sa pamumuhay na matuwid.
ang tuwirang pang-iimpluwensya sa pamamagitan ng pangangasangkapan ng homiliyang
ukol lamang sa pagtutol sa RH bill ay kalabisang di na ayon sa panahong
kasalukuyan.
hayaan na
lang umiral ang proseso ng demokrasya.
No comments:
Post a Comment