Tuesday, June 16, 2015

baraha

lahat naman ay dumaraan sa ondoy na karanasan. lahat. walang nakaliligtas. lahat ay sakop nito. tamasa man lahat sa buhay o walang tangan ni anuman. carinderia man ang hanapbuhay o lider ng pinakamatayog na kumpanya. oberol, sakop sinuman. kahit na nga ang pinakamasayang indibidwal ay tampok na halimbawa ng pagdaraanang chedeng sa buhay sa mundong-ibabaw. 
 
jars of clay daw lahat ang mga taong minolde ng maykapal upang maging imbakan ng elementong mapagpala mula sa maygawa sa lahat ng bagay sa mundo.
 
lamang pa rin naman ang oberlowd ng biyaya at pagpapala. nariyan ang iyong pamilya't mga taong nagmamahal sa iyong tunay. oweysis ngang matatawag ang pagiging champyon nila sa iyong buhay.
  
jaming lang at huwag titigil. ayusin ang mga gusot at manatiling positibo. huwag nang magpaapekto. eliminahin ang mga isiping negatibo. sarguhin ang layon at naisin. 
    
laruin mong mahusay ang baraha. o 'wag basta magpatianod. dapat na maging mapanuri't handa sa tilaok ng oportunidad at pagbabago. chumbawamba para higit pang umalagwa.



No comments: