pagkatapos
umubos ng halos dalawang gatang na butil mula sa lupalop, kaunting kordelya
lang at larga na. dalawang-isip kung riles ba o dalawang gulong na lang. mas
maikli ang lakarin 'pag dalawang gulong kaya apuhap ng nakakahel. 23 kamo. pero
di yata nagkaintindihan. napadpad sa 26. hindi po! 23 po. sa kabilang ibayo
tayo. nagkaintindihan din naman. 60 ito. emporyo tapos panhik sa barandilya at
panaog sa kabilang banda. gumiri na sa kabahaan ng 23. daming kumakaway pero
walang imbay. iisa lamang ang paroroonan. urban ang pook.
sanay
na sa pook urban. wala pa namang rasong ikadadala. pitong beses at pasable
naman daw ang lahat. ispektakyular ang karamihan, may bonggang payroteknik,
pasabog, pailaw at kung anu-anong ekstrabagansa. so-so ang iba ngunit umariba
rin naman. kaya nga walang anumang dahilan para iwasan at magpaka-pook rural.
pasok.
laki ng ngiti ng tanod. upo. sipat-sipat sa karton… may nag-iba. ah oo nga,
kumarambola ang numero sa pera ni rama. pero ok lang. wala raw problema. lapag
ng baso. kaunting lagok ng malamig na tubig at muling sipat-sipat. di kumilos
ang aperlip ng matayog. pero ang talampas ay ngislak. sa ngislak nito,
napalagok na muli. ubos na ang laman ng baso. apat lang ang maaari sa harinahan
at sa topspin nauwi. madaliang paambon at pasada ng mahalimuyak na mantikilya. simula
na ang harinahan. matiyagang pagpasada sa lahat-lahat. tila ba nasa tinapayan
at buong pagmamahal na nilapatan ng masa ang lahat ng bahagi. pasada rito,
pasada roon. sa tagal nito, nagtataka na nga ang nasa kapangyarihan kung
hanggang kailan ang harina. may mabubuo pa kayang tinapay? o puro sula lang
ito?
sinagot
naman ang mga tanong. girar ang umpisa, mula sa ilalim paakyat. mula lambak patungong
kapatagan hanggang makarating sa mababang talampas. bumiyahe hanggang sa datnan
ang peito. walang anumang mabalasik na paggalaw. tila idolo si galadriel at
arwen. lagihay, o anong bagal. may mangilan-ngilang bezea pero walang karampatang
bagsik. tumuturo sa orologiu, malapit na raw. matayog ang robinet, maganda ang
hulma at tila ngumingislak din. pero may malaking pero. wala raw zeamang
manggagaling sa nuca. huh? bakit wala? kesyo may bakahan pa raw kasi kaya't di
maaaring magsulak. kaunting kumbinsihan. pero ayaw talaga. ok, fayn. hablot ng
imbensyon ni asahi kogaku… trosni ng ilang mga cadru para naman may
maipasalubong. pokus sa matayog na tikad. tuwid ang prajina, may angkop na
satulavyo, swak sa salikop ng kita, maganda ang piha. perfetto!
kaya
ayun, wala nang pasakalye. fucilare ang dapat sumibad. kunin ang dapat kunin. muling
nagpaambon. asahi ulit. at bumaba nang muli. kolekta ng polyetos at isang lagok
ng tubig at kumaripas na. ok na rin sa vetta. wala namang malaking reklamo.
at
bumalik na sa kagubatang balong ng ulan.
No comments:
Post a Comment