una
kong nasubukang mag-bowling nang magpa-tournament sina ma'am del bilang bahagi
ng paskuhan sa WS. masaya't kumpetitib ang torneo. masaya dahil nakasalamuha ko
ang mga tao sa iba't ibang departamento at na-try kong magpatumba ng mga pins
sa unang pagkakataon. kumpetitib dahil sineseryoso talaga ng bawat koponan ang
laro. dahil dito, may mga praktis pang kailangang gawin para mahasa raw ang aming
tamang porma, angkop na pagbitiw ng bola at paano tatargetin ang mga tunod sa
iskina para di kumanal ang iyong mga bola. sa awa ng diyos, di ko rin naman
natutuhan kung paano ang tamang porma pero maski paano'y mangilan-ngilan lang
ang mga tira kong kanal.
nadala
ko ang "kasanayan" ito sa muling paglalaro ng bowling sa aydisi.
pasko rin ang selebrasyon at labanan din ng 4 na koponan sa market market. pumangalawa
lang kami kasi itsa ang istayl ng nanalong pangkat (#bitter)! hahaha! pero
walang isyu… lahat ito'y bahagi ng kasiyahan at ispiritu ng kapaskuhan.
pangatlong
torneong may kinalaman sa bowling ay nito lamang nakaraang huwebes. tagilid ang
aming koponan dahil karamihan sa mga kasama ko ay maglalaro ng bowling sa unang
pagkakataon. bukod kay alon, ang aming tagapangulo at nagdeklarang
"magaling sa bowling", lahat ay ni hindi pa nakasubok. kanal-kanal
ang unang mga tira. tatalikod ka na agad dahil malinaw na kapag di maganda ang
bitiw ay babalikwas ang bola at wala itong matatamaan. pero sa ikaapat na
kuwadro, nakukuha na ng aking mga kasama ang tamang bitaw at sumesentro na ang
mga bola. nakuha na rin ang tamang bigat ng bola para sa bawat isa. nagsimula nang uminit ang laro kumbaga. na-hit na ang spare at may
naka-strike na nga! natapos ang sampung kuwadrong alam naming lahat na di kami
nanalo.
pero
kami pala ang nanalo!! ang pinagsama-samang lakas ng di naman gaanong magagaling
ang nagdala ng tagumpay… tunay ngang wala 'yan sa lakas ng iisang mahusay o ng
isang nagmamagaling lang. fun-fun lang at walang anumang pressure at nauwi rin sa
"certificate of awesomeness"!! go blue team!
o
bowling… sana'y madalas tayong magkatagpo!
No comments:
Post a Comment