Saturday, April 14, 2018

Tiamban Beach

tiamban beach ang una kong destinasyon nang magsimula ang paglilibot sa romblon, romblon. bukod sa tatlong tagapangalaga ng resort, kami lang ni kuya joseph, ang aking butihing traysikel drayber at tour guide, ang nasa tiamban. ni walang mga tagaroon ang nasa lugar na ito. siguro kasi ay maaga pa… wala pa yatang alas-8 ng umaga nang dumating ako sa tiamban.

may entrance fee rito. maayos ang lugar at malinis ang paligid. pino rin ang buhangin dito, maputi at pagdating ko, kinakalahig pa ng mga tagaroon ang kahabaan ng buhanginan upang alisin ang mga dawag ng nagdaang gabi o mga tuyong dahoon mula sa mga puno.

maikli lamang ang inilagi ko sa beach na ito dahil masyadong mababaw ang tubig dito. medyo matinik din ang ilalim ng dalampasigan nito kaya di ako gaanong nakalanguy-langoy. binawi naman ito ng sangkatutak na piktyur! habang tumataas kasi ang araw ay tila lalong nagiging matingkad ang kaputian ng buhanginan ng tiamban. kaya naman medyo naghintay ako upang mai-set ang phone ko at kumuha ng sangkatutak na larawan ng magandang lugar na ito.

balik tayo sa romblon!


No comments: