nagawi kami minsan sa uptown, BGC. alam ng marami na ito ay lugar ng gimikan, hapi-hapi at kainan. pero di talaga kami nagpunta sa lugar na ito upang gumimik. hinahanap namin ang nag-iisang simbahan sa BGC. bukod kasi sa araw ng mga puso noon, miyerkules de senisa rin. nais naming sumumpong ng banal na misa at magpapahid na rin ng abo. nagawa naman namin ito.
pabalik sa 32nd, napadaan kaming muli sa hilera ng mga kainan sa uptown. di naman kami kumain dito, kundi naglakad-lakad lamang sa paligid... lalo na nga at ito ay pinalamutian ng maraming parol sa pagdiriwang ng bagong taon ng mga tsino. parang bata ang mga tao sa katitingala sa makukulay at kumukuti-kutitap na mga parol na ito. at dahil milenyal na ang pag-iisip, kanya-kanya ring selfie ang mga tao, posing at di magkamayaw sa kakiklik at slayd sa kani-kanilang mga smartphone.
No comments:
Post a Comment