Saturday, February 28, 2015

ribbon

let's just say out there was nothing 
for me to pursue and offer my kindness, care and time.

just when i avoided it well, 
more came out egging others to soften their blows.

love lang ba o meron pa? 
nothing more na to make you overly excited and crazy over it.

juma-jump pa pero ako ang nanalo, 
mas malaki sana ewan ko lang sa kanila ha.

lalabas kasi sana… oo nga't malaki na ang gastos, 
thankful pa rin o wala lang care sa anupaman? 
   
jollibee dapat ha… aki'y spaghetti 
at makuntento na sa empanadang galing sa red ribbon. 

Friday, February 27, 2015

black and blue

black and blue talaga! expalanation here. happy friday!


Friday, February 20, 2015

smidge

so you’re basically forced to develop a smidge of feelings
melting every time you're around
little do you know
sitting in a heat lamp
heart beating a lot louder
we have all at some point in our lives
encountered that feeling of secretly liking someone
it's like we're thirteen again
we are literally seeing stars
the whole zoo is inside us when we see them

but
choose to love you in silence
is admired from afar
will continue to pretend to look around
not do anything about it

starting to figure it out
it isn't what should be cared about
but why is it  when it reveals itself
thinking we're meant to be
a whole lot of feelings

at least
got a walkin talkin reason to live
crushes bring out the poet in us
you become nothing but a poet
something impossible to stay away

Wednesday, February 18, 2015

panget

nakaalpas na nga si hetty kitty. at tuluyan na ring nagpaalam ang tingting. pero ilan na nga ba ang kumaripas ng takbo o tuluyang inutas ng mandragrora? halina at tayo'y maglista't magbilang!


sa simula, napatalsik ng mandragora ang isang puti-puting mula sa ilalim banda roon. akala kasi nito ay uubra ang kanyang tuwid na ingles sa ingles ng "isang kakaistrok lamang" ni mandragora. ang di niya alam, binibigyan ng dambumday ang mandragora ng isteding suplay ng maitim na tinta kaya lalo itong lumalakas.

sinong makalilimot sa labanang kim chiu at mandragora?! epiko ito, biblikal sa lawak at laki ng tunggalian. sa isang banda, naroon si kim chiu… maputing malakrema, may mahabang sayd bangs na patulis, tahimik ngunit may angkin ding kapangyarihan lalo na nga't galing kay uncle sam ang ingles nito at matagal na sa kaharian. ito pa nga ang nagsilbing freddie roach sa dating bagitong si mandragora. itinuro ni kim chiu ang lahat ng kanyang alam sa pagmahika sa tambilangan at infernes, naging malapit din naman sila. nag-iba ang ihip ng hangin nang pumusisyon ang mandragora upang maging pinuno ng lipi at ito ang simula ng kanilang bitsihan (bitch to bitch!). walang patumangga si mandragora sa pagpukol ng maiitim na bato kay kim chiu habang lumalaban naman si kim chiu ng wasiwas ng kanyang bangs para salagin ang lasong galing sa lamanlupa. sa huli, ang pinagsamang lakas ng mandragora at dambumbay ang tuluyang nagpasadsad sa lipad ng bangs ni kim chiu.
     
at kumawala nga rin ang tagapagsalaysay. matanda para sa drama at lason. pero kaiba siguro sa lahat, nakipag-usap pa kuno ang mandragora sa mandaragat upang di nga ito umalis. pero sadyang wala na itong panahon upang makipagpataasan ng ihi kaya umalpas din ito.

di rin kinaya ng pangparangpang ang mga kalmot ng mandragora. nagpakampi agad ito sa mandaragat. palitan ng mga makamandag na orasyon ang magkabilang panig hanggang dumating na nga sa pakikipagtuos ng mandaragat sa dambumbay. ang kinahinatnan? pinutol na ang anumang manipis na ugnayang namamagitan sa kanila. nag-byers ang i panget death squad sa eyisi.

siyempre umalpas din ang dopey mula sa galamay ng mandragora. wala naman silang awayan pero kung anu-anong kasamaan din ang pinagsasasabi ng mandragora tungkol sa kanya kaya umiba ito ng landas.

isa sa mga todo-todong nilason ng mandragora ay ang batabyana. abot-langit ang pahirap na dinanas nito sa mga kamay ng mandragora at umabot na nga sa pag-iwas ng batabyanang dumalaw sa peninsulang kaharian ng dementora. sa huli, nautas din ito kahit na nga hindi ang mandragora ang direktang nagdulot nito.

may isa pang akala ng tagapagsalaysay ay tatagal… mayroon kasi itong antidotong yari sa mga dahun-dahong kapag dinawdaw sa mainit na tubig ay tila pumapawi ng lason. awa ng diyos, ilang buwan lang din ang binilang at tuluyan na rin itong nagpaalam. matindi talaga ang kamandag ng mandragora, buti na lang di nito itinuloy ang pagtalon mula sa tuktok ng bilding kung hindi kausap na rin siya ng mandragora tuwing gabi.

sinundan ito ng isang uyuyuy. puno ng enerhiya at mukhang magugustuhan ng mandragora dahil mahilig ito sa mga singkit na medyo malaki ang katawan. ngunit wala pang tatlong pagpapalit ng mukha ng buwan, nabalitaan na lang ng marami na tumawid na ito ng kaharian. matalino't maparaan, mabuti ito para sa kanya.

isa pang gumawa ng matinding ingay ay ang bitsihang mandragora at gruvi-gruvingatchi! magkaidaran halos ang dalawa, parehong may sapat na karanasan kaya maganda ang laban sa simula, magsinglakas kasi. ang kaibahan siyempre ay nasa trono ang mandragora at si atchi ay may mahaba at tuwid na tuwid na buhok lamang. daming nadamay sa usaping ito. mula sa pinakamataas na umaawaw, ang palaging walang alam na si iskulbus, ang dambumbay, ang pinakamataas na piyon, at ang mandaragat. ayaw pumayag ng mandragora sa gusto ni atchi, labanan sila ng suka, dura at plema. sinubukang pumagitna ng sangkatandaan at sinabing magpalambat na lamang si atchi sa mandaragat. pero malinaw ang sabwatan sa taas… di nila kayang bitiwan ang mandragora kaya ayun, tumalsik si atchi tulad nina puti-puti at kim chiu. lagapak sa lupa ang mga balikat nina hetty kitty at krung dahil wala nang panangga sa kamandag ng mandragora.

sumunod na nga si hetty kitty. aalis na sana ito at handa nang magpatiwakal. buti na lamang ay nakasulubong niya sa kakahuyan ang reyna ng pasay sa tondo. nailigtas siya sa agarang kamatayan at nito lamang nakalipas na linggo ay tuluyan nang nagkaroon ng bagong buhay dahil muli siyang ipinanganak.

ang pinakahuli ay ang muling paglisan ng tingting. umalis na nga ito dati at bumalik dahil nalansi ng mandragora. kamakailan lamang ay bumuo ito ng kanyang pamilya kaya siguro naisip niyang di na makakalusugan ang pananatili sa mundong puno ng pait at siphayo, ang mundo ng mandragora. mabuti ang pag-alis habang maaga pa… mahirap na dahil baka maging kamukha na niya ang kapangitan!
         
napakarami at lahat ay halos magkakatulad ang pinagdaanan. wala pa riyan ang sangkaterbang mga pangalan ng mga naunang kunin ng kumunoy… ang nasa taas ay sa nakalipas na 2 taon pa lang. ang inaabangan ngayon ay mauutas din kaya ang carinderia girl o tatagal itong gaya ng dakilang piyong mataas? mukhang di naman nakikipag-usap si carinderia girl sa piyong mataas tungkol sa sikreto ng huli kung paano nito natatagalan ang kamandag ng kanyang ninang. malamang kung anu-anong matatamis na pangako ang binitiwan ng mandragora pero dalangin ng maraming sana'y makatagpo ng bagong kaharian ang piyong mataas.

mukha namang nag-eenjoy pa si krung at sapat pa ang anghang na panangga sa pait ng mandragora. pero tila bibigay na rin ang kapwa nitong si tomyum. sana nama'y 'wag siyang matulak muli sa mundo ng mga tableta. nariyan pa rin naman ang nagbebenta ng dibidi at bilib ang tagapagsalaysay sa tibay ng sikmura nito kahit gayon na lamang ang pagdura nito sa kanyang pagkatao. may pangangailangan kasi at maaaring lumalakas ito dahil sa samu't saring dahon. o baka naman sanay na kasi siya sa baktirya kaya natatagalan niya ang mandragora.

di magtatagal at tiyak na may bago na namang sisibat at masisibat ng nag-iisang demona. kailan kaya darating ang katniss everdeen ng kuwentong ito? abangan!

Thursday, February 12, 2015

las brujas

it was not a best picture material but certainly an entertaining piece. las brujas de zugarramurdi (witching and bitching) was a crazy romp of “actor” thieves and “feminist” witches. in between, alex de la iglesia injected themes of father-son relationship, modern-day problems of married couples, of course the witches, plus roadtrip… all woven into a zany horror-comedy feature film, which ended with a big (literally) wallop of madness.
  

garbed as street performers, jose and tony carefully planned a bank heist. forgetting that he's supposed to take care of his son, he brought manuel and actually involved him in the robbery. being chased by the police, they then headed up north to spain's border with france. along the way, they took the taxi driver as hostage. the group then reached a small town called zugarramurdi, a town believed to be the birthplace of witches in spain. they were captured, tied and tortured, as part of the occult ceremony honouring "the mother" of all witches. the men will be served as dinner's main course while a virgin, jose's  son, will be offered as sacrifice.

audience won't have any idea on what was going to happen. the taxi driver got tortured over and over, the police officers also became part of the hostages to be offered and consumed and even silvia, jose's estranged wife, got bewitched and joined the throng of witches out to destroy men. there was even a subplot with eva, the young witch, falling in love with jose. it was irreverent and a true rollercoaster ride of dark and contemporary such as lines like "my daughter loves me so much, she put my picture on the wall next to justin bieber." de la iglesia was able to put together a crazed, light-hearted feature, packed with comedy and action sequences. great cast especially hugo silva, mario casas, carolina bang, carmen maura and terele pavez.

some might say that it got out of control in the end when the big witch (ogre-type with gigantic boobs), the mother of all witches, was introduced as part of the climax of the movie. eva even fought with her mother, graciana, who was finally vanquished. but it was just the icing used to top the craziness of the movie. after all, the aim was to mock the existing take of some contemporary feminists to avenge what they call inequality. this was already indicated with the great credit sequence where women of different stature was shown and interesting and funny juxtapositions of women such as margaret thatcher (former UK prime minister) and myra hindley (notorious killer). it was a thrilling and fun ride.

Wednesday, February 11, 2015

you and i


song of the week. happy tuesday!
♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫

Hi  
Girl you just caught my eye
Thought I should give it try
And get your name and your number

Go grab some lunch and eat some cucumbers
Why did I say that?
I don't know why.
But you're smilin' and it's something' I like
On your face, yeah it suits you
 
Girl we connect like we have bluetooth
 

I don't know why
I'm drawn to you
Could you be the other one so we'd equal two?
And this is all based on a lucky chance
That you would rather add than subtract

 

You and I
Could be like Sonny and Cher

Honey and Bears
And You and I
Could be like Aladdin and Jasmine
Lets make it happen

 

La la la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la la
La la la la la la la

 

Hey
How've you been?
I know that it's been awhile.
Are you tired cause you've been on my mind
Runnin' thousand and thousands of miles
Sorry, I know that line's outta style
But you
You look so beautiful on this starry night
Loving the way the moonlight catches your eyes and your smile
I'm captivated
Your beauty is timeless never outdated

I don't know why
I'm drawn to you
Could you be the other one so we'd equal two?
And this is all based on a lucky chance
That you would rather add then subtract

 

You and I
Could be like Sonny and Cher
Honey and Bears
And You and I
Could be like Aladdin and Jasmine
Lets make it happen

 

Babe
It's been 5 years since that special day
When I asked you on our first date
I guess it's safe to say that

 

You and I
Are better than Sonny & Cher
Honey and Bears
And You and I
Are better than Aladdin and Jasmine
We've made it happen
Singing

 

La la la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la la
La la la la la la la

 

Let me say
You look beautiful on our wedding day

Monday, February 9, 2015

jupiter ascending


bitin daw kasi ang birdman. tumalon lang basta si riggan mula sa bintana ng ospital at tumingin sa baba si sam. tumingala ito at ngumiti. tapos na. kaya ayun, biglang napabalikwas at kara-karakang bumili ng tiket para manood ng jupiter ascending. dapat ay sa 4d pa kami nina ces at james pero dahil nanghinayang sa 450 pesos, sa regular na lang. buti na lang talaga kundi sayang talaga ang pera… pamasahe ko na ‘yun para sa dalawang araw.

ok naman sana ang intergalaktikong tema ng jupiter ascending. isang makulay na talakay ng hinaharap ng uniberso kung saan isang makapangyarihang pamilya ang nagmamay-ari sa mga planeta kasama na ang mundo. may lahok itong pang-aapi ng mga makapangyariha’t mayaman at may bahid ng kapitalismo dahil sa “pag-aani” ng mga taong “raw material” para sa produktong nagpapabata sa mga nilalang ng ibang mga planeta. may drama ng pamilya dahil naglilinis na lang ng mga bahay-bahay ang pamilya ni jupiter at “she hates her life” dahil dito. magaling ang mga biswal nito. malawakang pagsabog, nakatutulirong mga action sequences at pati ang paglalarawan ng epikong daigdig ng mga abrasax na tila hinaluan ng mala-star wars o tolkien na lapit. ok din ang scifi na ideya ng mga sundalong may hinugpungan ng DNA ng mga hayop at maging ang “reincarnation” ng mga gene ng isang tao.
  
lahat ito’y punto ng isang pelikulang malaki ang potensyal. pero hindi. malalaking pagsabog, mga karakter na tumitigidig sa elaboreyt na mga kostyum at magagandang biswal… ‘yun lang ang naiwan sa pelikula. sayang ang potensyal nito. terible ang mga linya at pagkakasulat nito at lalo na ang direksyon. ginawa nitong katawa-tawa ang mga dekalibreng mga aktor tulad ni eddie redmayne. di naman kailangang ganoon siya magsalita at parang isang malnourished na tinedyer nang sawatain siya ni jupiter. mas ok siguro kung hindi si mila kunis ang jupiter jones. oo nga’t may kemistri sila ni channing pero natabunan ito ng dami ng kabaduyan sa pagitan nila. bigla na lang din nawala ang magkapatid na kalique at titus sa eksena at nasayang din ang mas maganda sanang tunggalian sa pagitan ng magkakapatid. maaari pa itong palabukin ala tolkien. sa rangya ng mundo ng mga abrasax, napakadali palang wasakin ng kanilang portipikasyon! sabi nila’y ilandaang taon na silang nabubuhay at pinangangalagaan ang kanilang negosyo pero isang pagsabog ng isang nagpapakabayaning caine lang pala ang wawasak dito.

dapat yata ay mas pinagtuunan na lang ng mga wachowski ang pag-iibigan ng mga magulang ni jupiter jones at ginawa itong sentro ng kuwento kaysa background lamang. bukod kasi rito at sa magandang biswal, wala nang magandang punto ang pelikula. lalasingin ka lamang nito sa biswal pero bibigyan ka ng matinding sakit ng ulo dahil sa tunggak na salaysay. di naman ito “umascend”… bumagsak nga agad. bagsak.  

over-thinker

are you an over-thinker?! read on. happy monday!

I don't know who's to blame for creating a generation of over-thinkers, but I blame...someone. I think. Maybe it's 'cause we're overly sensitive and wicked smart? Could that be why we're so introspective? But whatever - we cool, we cool.

If you're an over-thinker you might relate to and understand at least one of these things:  
  1. When we say "we’re sorry," we mean we're really sorry. If we feel like we’ve hurt your feelings, what you didn’t see is the hours we spent going over every single detail of our fight. Seriously, rest assured knowing that whether you accept our apology or not, this will not soon be forgotten.
  2. We’re not insecure control freaks, we just think. A lot. I mean you don’t have to call us back right away when you’re out, but just know that our mind is playing out a bunch of horrible scenarios in which you’ve cheated. Or died. That’s right, if we reach your voicemail, we can’t help but consider that you might not be alive.
  3. Our critical thinking skills are pretty on point. Seriously, we have mastered the art of interpreting what people really mean by what they say.
  4. But our friends don't seem to appreciate our analytical ninja skills. They end up saying “you are so over-thinking this I can’t even,” when we proudly tell them that we’ve figured out what something really meant. 
  5. Sleep is probably the most difficult aspect of our lives. Laying silently in the dark without any distraction inevitably makes us sink into our racing thoughts.
  6. God forbid someone unfollows us on Instagram or unfriends us on Facebook. We won’t rest until we figure out who it was and why.
  7. We delete texts, hesitate over writing emails and Facebook messages, delete and re-write tweets. All because we could and should have said something other than what we did. It takes us forever to write an important message. Okay, basically any message. 
  8. When we go out we can be the life of the party - if the party is authentic and exciting (and has enough alcohol), we can live in the moment. Until the hangover. The next morning we are left in fear of what we could have said to that one person we'd rather die than act like an idiot in front of.
  9. Of course, any pain in our body leads to us imagining the worst case scenario. We need someone to talk us off the ledge, and tell us they've experienced a pain similar to the one we're describing.
  10. We can’t let things go easily. We’re convinced that if we run over the details of a few more times, it will somehow change the outcome and we will uncover some new understanding of the situation.
  11. We send a lot of screenshots of stuff…and evocative details. We need second opinions.
  12. We actually enjoy a break from our heads. If someone takes us somewhere stimulating enough that we won't have to be mind-numbingly introspective for once, we’ll love them forever. Well, you know.
  13. What did they mean by “I'll see you soon?” What does “soon” mean? Like soon soon? Or "soon"? We like when someone makes our lives a little less complicated and tells us straight up what they mean. I mean, we’ll probably spin it to mean something more, anyways, but it's still nice. 
  14. If we meet someone that makes us live in the moment, we'll hang on to them for life. Or as long as we possibly can.

Wednesday, February 4, 2015

tadhana

may sesyon pa dapat kami upang rebyuhin ang that thing called tadhana. ganoon katindi ang tama ng pelikulang ito sa amin kaya kailangan itong himayi't pag-usapan kahit na nga di ako madalas manood ng pinoy romkom. pero mukhang tadhana na rin ang nagtakdang di ito matuloy, haha!

elementaryang romkom lang dapat ito. istorya ng dalawang indibidwal na kapwa nais makalimot mula sa bangungot ng bigong pag-ibig. nagkatagpo sina mace at  anthony sa paliparan ng roma at mula rito naglamyerda hanggang makarating sa baguio, sagada at pabalik muli ng maynila. pero dahil sa matalino't nakatutuwang iskrip at kapani-paniwalang kemistri sa pagitan nina angelica panganiban at jm de guzman, malayo ang that thing called tadhana sa palagiang pinoy romkom na kayamot-yamot at ni walang anumang sustansya.

siyempre kung galing ka sa isang bigong relasyon, swak na swak ang mga hirit nina mace at anthony. pero di naman kailangangang maranasan ang pakikipaghiwalay para makapalagayang-loob ang dalawang karakter. malapit sa katotohanan ang mga sentimyento ng dalawa, malapit sa sikmura kumbaga. di ito pinalabukan ng maraming literarya o anumang kasweetang di kailangan at "ngayon na ngayo't pinoy na pinoy" na talakay nito. halimbawa ay ang pagkain ng hotdog sa stopover patungong baguio, ang pagbili ng strawberry taho sa city of pines o ang couple room sa masahihan. haylayt para sa akin ang pinoy na pinoy na tirada sa where do broken hearts go ni whitney houston at mga linyang "ang sakit mo magsalita ah… close ba tayo?" magkahalong tawa at lungkot ang ipadarama ng pelikula, habang tamang-tama lamang ang romantikong timpla nito. panalo ang mga eksenang tulad ng sa stopover kung saan naisip na ni mace i-connect sa kanyang ex ang lahat ng bagay, panhik-panaog sa overpass sa baguio at ang eksenang nagdadalawang-isip si anthony kung aakbayan ba niya si mace o hindi. magaling din ang open-ended na katapusan ng pelikula dahil bahala na ang manonood na maglagay ng kongklusyon.

kung may parangal sa casting, dapat makakuha ang pelikulang ito. utang ng proyektong ito ang kanilang tagumpay sa kemistri nina angelica panganiban at jm de guzman. ichi-cheer mo na nga ang dalawang sana'y magkatuluyan o "magbastusang pisikal" kahit kaunti lang. natural na natural na deliberi ng dalawang aktor, lalo na ni panganiban. mai-imagine mo talagang sinasabi ng karaniwang tao ang mga kanilang birada, hirit, bunghalit at palakat. ang anthony ni de guzman ay akmang-akma sa kasutilan ni mace. sakto ang kanyang pagiging maginoo, kaunting pahiwatig ng kakulitan at pagnanasa… best supporting actor ang award ni jm de guzman.

ngunit ang mace ni angelica ang tunay na may-ari ng that thing called tadhana. walang kahirap-hirap niyang binigyang-buhay si mace, sampu ng kirot na kanyang pinagdaraanan at hapdi o angil sa ikot ng kapalarang di umayon sa kanya. kalugod-lugod ang kanyang pagganap at walang anumang pagkukunwa pero tunay na nakapupukaw ng damdamin.
   
bakit nga ba kasi madalang pa sa ulan sa namib desert ang mga pelikulang tulad nito? kaya naman talaga ng mga magpepelikulang pinoy at kinakagat naman ng publiko, kung kaya't sana'y dumalas ang mga ganitong proyekto. isang rawnd pa sana ng istorya ni mace at anthony!    

sunshine

♪ ♫ You are my sunshine... 
my only sunshine... 
they make me happy 
when skies are gray. ♪ ♫