Sunday, October 5, 2008

isadora

makailang ulit nang niresaykel ang tema ng isang babaing api-apihan na sa bandang huli ay papaimbulog. dami nang mga teleserye ang kinagat ng tao na umiikot sa paghihiganti ng isang babaing lumaki sa probinsya at dumanas ng sangkaterbang pagdurusa sa kamay ng isang makapangyarihang kaaway. siyempre, palabok dito ang ligawan, agawan ng kayamanan, palitan ng maaanghang na linya dahil sa mga kalaguyong makakapal ang mukha, paistaran ng kontrabida at ng bida, paghahanap sa nawawalang miyembro ng pamilya at sangkatutak na mga krimeng tunggak. lahat ito ay tema pa rin ng iisa pa lamang. pero ang bentahe ng teleseryeng ito ay ang paglalahok ng mga di inaasahang linya ng mga nagsisiganap. kakatwa ang mga ito, nakakatawa, masiste at bago, tulad na lamang ng palitang ito:

isadora: isa ka lang dumi, aura!
aura: ang duming ito ang pupuwing sa 'yo!
isadora: eh di magshe-shades ako! hahahaha!

ngunit anumang linyang buong husay na isinulat ay di maigiging epektibo kung di mahusay ang magbibitiw nito at gaganap sa karakter. ibang klase si cherry pie picache! buong giting niyang nabibigyang-buhay si isadora, isang sakim, materyosa, pekeng sosyal at jologs na kontrabida. tamang-tama ang tayming ng kanyang mga mapang-uyam na mga linya. sangkatutak na ang mga nakatatawang tulad nito ang binitawan niya, kasama na ang mga ito:

"so, ano? pera-pera na lang? hindi mo man lang naisip na kinuha kita galing sa bundok, binihisan, at nakatikim ng corned beef dahil sa akin"

"pinaaral natin sila sa UCLA para maging remote control. ang saya noh? isang pindot mo lang, sumusunod na agad."

"gusto mo ng pizza? ay, ipagbubukas na lang kita ng de lata wala naman tayong pizza."



dagdag pa!

3 comments:

cath said...

whahahahah!! gusto ko rin si isadora. may linya din siya ata na ganito:

(matandang aura nahulog sa hagdan. namatay.)
isadora: hoy aura! tumayo ka nga diyan at di naman ganun kataas hagdan niyo!

(sinabihan siya ng dating asawa ng magbenta ng gamit para mabayaran utang nila)
isadora: ano pa ibebenta ko?!?! eh minimalist na nga tema ng bahay ko di mo ba nakikita??

o mga parang ganun.. :D

dyoobshvili said...

wahahahahaha! katuwa nga si isadora! kaya lang di ako nakakapanood... may spanish filmfest kasi eh. so namatay na si lola aura?

cath said...

yea...patay na siya. :( nalungkot..heheh