tambak ang mga kailangan kong gawin. kaya nga ba't kung maaari lang na hilahin ang mga araw nang matapos na ang nobyembre, gagawin ko. sangkatutak kasi ang mga tanong sa monitor, walang kabagay-bagay kung tutuusin, pero sadyang dumaragdag sa tala ng mga trabaho, gayong dahil lang naman ito sa isang kliyenteng galing sa lupain ng mga kokuryu na di matanggap na naungusan sila sa panahong ito ng kanilang mga kakumpetensya.
at dahil nakukurta na ako sa boses ng mga laman-lupa, na kaliwa't kanan ang tawag at mga imeyl, binuksan ko ang sitemeter ko. hehehehe! nakatutuwang makita na isang tala ng rekisa sa google ang naglaman ng aking blog tungkol sa nakaraang idg calendar contest. ang rekisa ay galing sa spain.
siyempre, may salin mula sa ingles pa-español ang google, kaya katuwang mabasa ang aking kuwento sa español! nag-aral ako nito n'ung panahon ko sa UP - 12 yunit pa nga, ngunit dahil sa di ko naman talaga magagamit ito nang madalas, nawalang parang bula ang anumang pang-elementarya kong natutuhan ukol sa wika ni rafa. maging ang mga batayang konhugasyon, di ko na maalala. alam ko lang, may anim na uri ito, maraming mga verbos irregulares, at higit sa lahat may masculino at feminino. haaayyy... aralin ko kaya ito ulit?
maiging dibersyon ito habang iniisip ko kung paano ko muling isusulat ang bawat sagot sa lahat ng mga katanungang bugok. mas gusto kong wala na ito sa aking mga kamay. sa gayon, makapagsimula na akong mag-isip ng mga babalutin sa parating na pasko, makadagdag sa mga pangalan namin para sa kris kringle at magplano ng anumang lakad sa mahabang bakasyon... tulad ng cagbelete o muling pag-akyat sa sagada!
3 comments:
sayang. dapat ni-befriend mo lola ko. hehehe..nage-espanyol yun e. tapos twing tinatamaan ng alzheimer's nie-espanyol ako. sagot ko lang, 'no hablas espanyol' sabay matutulala siya (kulang na lang tumambling) at sabihan ako ng, 'que horor!' tapos ikukumpara ko sa katulong nila dati na marunong mag-espanyol. at sasabihin niya to in spanish. i'll just catch words kaya na-gets ko na mas marunong yung dati nilang katulong.
i've had a rough childhood. teka, this is making me cry, iyak lang ako sandali.
ei..ano pala, go tayo cagbalete? pero gusto ko nga rin bumalik ng sagada e. tara, i-go na natin cagbalete sa end ng november?
wahahahaha! rough childhood dahil sa nagka-kastilang lola?!!
huy cath, sige! gusto ko 'yung cagbalete. try ko asikasuhin bukas. sama natin sila madam elke, dad, atbp.
Post a Comment