Thursday, September 9, 2010

karimlan

hapon na agad kahit umaga pa lamang.
katawang balingkinitang kuno ay pambulanglang.
ang tindi ng usapan simbigat ng ga-trosong katawan.
lamyos ng tinig 'nit mabubuwal sinuman 'pag nasilayan.

maglalaho ang anumang liwanag.
lalamunin ng dilim ang daigdig.
lulukob ang kalamlaman sa sanlibutan.
sa sandaling manalasa ang karimlan.



higit na maiging di maki-ugnay sa gusot.
makinig lamang 'pag karimlan ay sangkot.
ubos-lakas 'pag nabalot ng dilim.
walang wawa ang dambuhalang nakasusuklam.

subukang sumauli sa gabing kalaliman.
pailalim sa ubod ng kubling dako pa roon.
pakikidawit sa gawain sa iba ipagsangga.
tapusin ang dilim nang numbalik ang sigla ng umaga.

No comments: