maroon 5 concert, may 23rd, SMX convention center. salamat kay pops, nakapanood ulit ako ng concert. di ko na maalala kung kailan 'yung huli kong nood ng ganito! dali-dali kaming tumungo ni arms sa MOA, pero bago kami pumasok sa bronze section ng smx, nakakain pa kami sa chef d'angelo.
kahit di ko gusto ang tili-tiling boses ni adam levine, mahusay ang banda. may magaling na rapport sa audience. kinanta nila ang lahat ng kanilang mga hits tulad ng makes me wonder, won't go home without you, nothing lasts forever, at mga bago nila mula sa album na hands all over, bukod pa sa cover ng if i ain't got you ni alicia keys.

buwisit lang ang OA na nakatutulig na hiyawan at tilian ng karamihan sa nakapaligid sa amin. kailangan bang ganu'n talaga ang sigaw mo 'pag bumili ka ng tiket para mapanood ang gusto mong mga musikero? sigaw na nakatuon sa tainga ng mga taong nasa harap mo, imbis na pataas para di naman makabulahaw sa iba! sobrang lakas pa ng pasigaw na pagtula kasabay ng pagkanta ni adam... di na lang sila mag-videoke buong maghapon at ipaubaya ang pagkanta sa singer ng banda! 'yun namang isang matabang babae sa harap namin, panay ang hawi sa buhok niyang mahaba't nanggigitata sa pawis! wala yatang pambili ng panali sa buhok, kaya't sige ang hawi kada taas ng kamay sa bawat tili ni adam.
may mga maayos din namang manonood, 'yung yumuyugyog lang ng paunti-unti at papalakpak sa bawat katapusan ng di bababa sa 16 na mga kanta ng gabing 'yun. kaunting piktyur-piktyur, di gaanong malakas pagkanta, palakpak... kaunting sigaw ng "more" o "we want more"... dapat ganu'n lang... 'wag OA!
No comments:
Post a Comment