Sunday, December 2, 2012

lagusan

liwanag sa dulo ng lagusan? anong liwanag sa dulo ng lagusan ang pinagsasasabi nito?

napabunghalit ako ng tawa nang matanggap ko ang esulat na ito. una, pilit na pilit ang eksersyong magpasigla gayong litaw naman ang kawalan ng kasanayan dito. pangalawa, bagay lamang ang mga ganitong linya sa mga lider na likas ang bitalidad at berbong maaaring ihawa sa mga kapangkat. kung di binabalungan ng anumang positibidad sa anumang aspeto lalo na sa hilatsa ng mukha, mangyari lamang na umakto ayon sa kung ano ka talaga. hindi ‘yung biglang-kambyo at ikukubli ang pagpapasuko sa mga tao mula sa lasong dala ng bunganga’t panulat. at siyempre, aanhin mo ang liwanag sa dulo ng lagusan kung ito pala ang harapan ng paparating na tren? kapag hinintay at sinalubong ito, tiyak na magkakalasug-lasog ang katawan ninuman… lalo na nga’t kung may bungang-ugat na nasa kabila ng lagusan!

ang tanging liwanag sa dulo ng lagusan ay kumawala sa mga galamay ng lamanlupa. sabi nga ni pamela (mula hayskul), kung ang jeep nga kapag napupuno, umaalis… tao pa kaya.

No comments: