Monday, February 24, 2014

dati

medyo huli ko na na-discover ang kantang ito... ang ganda pala! balik-alaala ang tema pero ang da best dito ay dekada '90 ang sentro!!! swak sa akin ito, "relate na relate" kumbaga. tulog muna ng hapon tapos takbuhan, mataya-taya at role playing 'pag medyo bumaba na ang araw. sarah ang munting prinsesa, julio at julia, gimik nina jolina at ang tv! masaya talagang balikan ang nakaraan. :)



Dati
Sam Concepcion and Tippy Dos Santos


Ohh ooooooooooooooooooohh
Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naalala ko pa noon nag aagawan ng nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento

Lagi lagi ka sa amin dumidiretso pag uwi
Naglalaro ng tao taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala

Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (hanggang ngayon), 
ooohh oh oh

Di ba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari
Ngunit di ang pagtingin ay gaya pa rin ng
da-ra-ra-rat-da dati(3x)
Na gaya pa rin ng

Dati rati ay palaging sabay na mag syesta
At sabay ring gigising alas kwatro y medya
Ohh, sabay manonood ng paboritong programa
Oh kay tamis namang mabalikan ang alaala

Di ba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari
Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng

Dati rati ay naglalaro pa ng bahay bahayan
Gamit gamit ang mantel na tinatali sa kawayan
At pawang magkakalaban pag nagtataya-tayaan
Pero singtamis ng kendi pag nagkakasal kasalan
 
Di ba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
Ang sarap sigurong balikan ang mga alaala 
lalo na't kung magkayakap mga bata't magkasama

Parang Julio't Julia lagi tayong magkasama (hindi mapaghiwalay)
Sabay tayong umiiyak kapag inaapi si Sarah
(Hindi pwede yan)
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga
('Yan ang pag-ibig)
Sana mabalik ang dati nating pagsasama

Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari
Ang aking pagtingin (ohh, bulong na lang sa hangin)
Pangarap na lang din (pangarap na lang din)
Na gaya pa rin ng
da-ra-ra-rat-da dati(3x)
Na gaya pa rin
da-ra-ra-rat-da dati(3x)
Na gaya pa rin ng........
Ng dati.

No comments: