Wednesday, March 4, 2015

jolo revilla

grabe ang kadramahan ng pamilya revilla. nais kumuha ng simpatya mula sa publiko dahil sa sinapit ng bise gobernador ng cavite na si jolo revilla. oo nga't naospital siya at delikado ang kundisyon pero maliwanag pa rin itong pagbibigay ng di nararapat na pabor sa kanyang ama. kung ang ibang presong di nagkakaroon ng pagkakataong makalabas ng piitan, dapat maging ang isang senador na kasalukuyang nililitis sa kasong pandarambong ay ganoon din. 

saktong-sakto ang tinuran ng nagkomento sa gmanetwork. salamat sa iyong nakatatawa pero may bigat na mga salita. 


No comments: