Tuesday, November 21, 2017

sakit

o sakit ng katawan, bakit nandito ka na naman?
o sipon at hatsing, bakit nasa pali-paligid na naman kayo?
o sakit ng ulo, bakit narito ka na naman sa aking himpapawid?

di ba nag-usap na tayo?
di ba sabi ko sa inyo, ‘wag na kayo paparito?
di ba may kasunduan na tayong di kayo muli pang dadalaw?

ano’t heto na naman kayo?
ano ang biglang nagsipasok sa inyong mga kukote?
ano pa ang kasunduan kung di tutupdin?

alis na kayo, basa pa ang mga labahin.
alis na kayo, ubos na ang paninda.
alis na kayo, malambot pa ang yelo.

‘wag na umulit.
‘wag na muna ulit.
'wag na ulit.


No comments: