Saturday, June 23, 2018

dunkin donuts

sabi nila, wala pa ring tatalo sa alaska
sabi ko naman, wala pa ring tatalo sa dunkin donuts!

di na mabilang ang mga pagkakataon
'yung marami kang iniisip
'yung daming bagabag
tapos gutom ka na.

o 'yung mga  panahong di mo alam ang kakainin
o di kaya ay wala nang ibang pagpipilian 
tapos gusto mo ng pamilyar
'yung madali kang liligaya.

ito ang dunkin donuts para sa akin
munchkins man yan 
o kahit na anong donuts
panalo lalo ang bunwich!

samahan mo pa ng iced coffee
malamig, mapait na matamis
o kaya ng kanilang mainit na kape
swak na swak!

salamat, dunkin donuts!



No comments: