Friday, July 20, 2018

josie

madaling araw pa lang ay dama na ang matinding buhos ng ulan. kaya di na kataka-takang bandang alas-6 ay baha na sa kahabaan ng banuyo. siyempre baha rin sa ibang bahagi ng san antonio. at lalong lubog na rin sa mga lugar tulad ng mayapis - malugay - buendia. 

tropical depression lamang si josie pero pinalakas nito ang habagat, hinila ito upang magdala ng malakas na buhos ng ulan sa kabuuan ng luzon. mapinsala ang pag-uulan lalo na sa pangasina, zambales at bataan. sa lunes pa raw ito aalis mula sa teritoryo ng pilipinas at magpapaulan pang lalo sa hilagang luzon.

di ako pumasok. ayokong lumusong sa baha. wala ring saysay dahil wala rin namang masasakyan kung makarating ka sa banda ng bagtikan - pasong tamo. mataas ang presyo ng grab at agawan sa taxi. mas maiging manatili sa bahay at dito na lamang magtrabaho.


No comments: