sarap ng longan! kahit medyo panat na ang nabili ko (mura kasi eh!), pinagtiyagaan ko pa rin... bagamat halos paltusin na ang mga daliri ko sa kakapisat ng bawat prutas! matamis! kahit nagputik (sabi ni ate lyn) pa si zel sa lugar ko, sige pa rin! ayon sa wikipedia, mga mata ng dragon ang ibig sabihin ng longan dahil sa kapansin-pansing pagkakawangki nito sa mga mata ng dragon kapag ang mga ito'y nakatiklop (ang itim na buto'y maaaninag sa puting laman ng prutas na parang iris o pupil).
2 comments:
me dragon ba tlg?....at excuse me!.. hindi ako nagputik!..pero tsalap tsalap nga bili ka pa!
may dragon talaga! saan naman kukunin ng mga intsik ang idea nila about that?!!! wahahahaha! nagputik ka, sabi ni ate lyn dahil sa katas daw ng longan na kinakain mo!!! hahahahaha!
Post a Comment