‘Kawawang Truth’
Grabe, grabe na ‘to! Ilang linggo na tayong nagbabangayan, nagkakahati-hati at nagaawayan nang dahil lamang sa isang kanseladong proyekto. Hanggang ngayon, puro sumbatan at mga tsismis lamang at wala gaanong ebidensyang nailalabas maliban sa mga salita lang. Puro kayo "in the the name of the truth." Kawawang-kawawa na si "truth." Abusong-abuso na si "truth." Ano ba talaga ang "truth?" Ang "truth" dapat ay ‘yung nakikita — kaya nga, "to see is to believe" eh.
...
At dahil sa isyung pinagmulan nito, narito’t manalamin kayo sa isang tulang sinulat ko …
"LAGAY"
Palimos o donasyon o suhol o bigay
Padulas o regalo o tulong o lagay
Basta perang malutong ay nagbigay buhay
Pare-pareho lang ‘yan sa aking palagay
Panalo o handog o hulog ng langit man
Baon, pabuya, abuloy o pakimkim lang
Basta ba ang kulay ng kwarta’y lumitaw
Basta may salapi at nariya’t binilang
Naglipatan ng kamay at umalingasaw
Tingin ko kaibigan ay iisa lang ‘yan
Hanggang may salapi ay may paguugatan
Halos lahat ng bagay na may kasagwaan
Iba-iba nga lang ang ating pananaw d’yan
Mayrong tama lang at may sobra’t kasakiman
…
Kapalit, kapalit, o wala kang kapalit
Ang lahat ba ay dapat may sukling babalik
At bakit maging sa "salamat" na nakamit
May "walang anuman" pa tayong isasambit?
Matanda pa sa ‘tin ang lagaya’t palitan
Hindi na natin siguro matatanggal ‘yan
Sari-sari lang larawa’t para-paraan
Iba’t-ibang panaho’t pangangailangan
Kaya ang magmalinis ay huwag na lamang
Tanong: Kung wala bang kolekta, may simbahan?
Ewan!
If you’ll notice, each line of my poem has 13 syllables — sa iba kasi, swerte ang trese; sa iba naman, malas daw. Tulad din ng "lagay" — alanganin — ito ba’y masama o likas lang sa tao? Ewan!

No comments:
Post a Comment