Friday, June 27, 2008

olympics

higit isang buwan na lang at beijing olympics na! ilan at anong mga events kaya ang sasalihan ng pilipinas? batid ng karamihan na dehado ang ating mga atleta ngunit buo ang pusong makipagpaligsahan at ibigay ang lahat. salat sa suportang galing sa gobyerno bunga ng korupsyon at pamumulitika, kailangan din nilang isaalang-alang ang pang-araw-araw na gastusin at kung paanong masusuportahan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya. sa kabila nito, marami pa rin ang nagpupursigi. maging dahil sa pagmamahal sa larangang pinasukan o sa naising maghatid ng karangalan sa bansa. nawa'y mahalihan ng buwenas ang ating mga manlalaro at makasilat ng anumang medalya. laban pinoy!

ILikebee.com

No comments: