Wednesday, August 13, 2008

tingala

tagal nang sinasabi sa sarili.
alis na. tama na. lipat na.

haba na rin ng panahon na binuno.
'tsaka na. ok pa naman. wala pang iba.

abot-langit ang reklamo.
sa mga pangit. dami ng trabaho. kakarampot na sahod.

paulit-ulit ang proseso.
tingala. upo. inat-inat.

baon na baon na sa katamaran.
sige pa. masaya naman. lilipas din 'to.

tumatanda na lang ng pagayon-gayon.
haaaayyy. hanggang kelan. manghinawa ka na.

sadya nga bang mumunti lang ang pangarap?
may hinihintay pa nga ba?
o nagpapatangay lang sa agos ng nakababagot na karaniwang araw?

tindi ng pag-ukilkil ng nasang umasenso pang lalo.
wala namang kongkretong hakbang na inaatupag.
walang tiyak na balakin. pagwawalang-bahala. at bahala na bukas.

panahon na. dati pa. noon pa dapat.
hintay na lang ng ambon ng salapi.

gawin na ang nararapat. lakbay sa ibayo. tuklasin ang dako pa roon.
tara!

4 comments:

cath said...

mmmm...punta ka ng ibang bansa? mmmm... :)

dyoobshvili said...

kung may pagkakataon, ba't hindi. ayoko na magpatumpik-tumpik!

same old kamote on top said...

..me ganun sabi nga ng pules!...lumikas na!..mangibang ibayo..kung saan man un!

dyoobshvili said...

hay naku, ate weng! kelangan ko na ngang ayusin ang cv ko! ano ba ito!