Wednesday, November 19, 2008

julia

nakatutuwang sorpresa 'to nang magkita-kita kami ng buong pamilya nu'ng undas. natanggap ko na ang ginawang pangkaarawang kard ni julia para sa akin! ang unica hija ni ate joy, si julia ay tahimik, inglisera, matalino, mahilig sa alcogel, singkit, maputi, paborito ang pink, maraming kakatwang kuwento at higit sa lahat, ang ate kina rafael at juan.

buong ingat at tiyaga niyang tinapos ang lahat ng disenyo sa kard na 'to! walang anumang tulong mula sa kanyang mga magulang, maging ang paggupit ng kard at pagdidikit ng mga istiker sa sobre nito ay kanyang ginawa. pinagtuunan niya ito ng pansin at oras at ibinuhos ang angking makasining na gawi sa pagbuo nito. nakagagaan ng loob 'pag nakakakuha ka ng mga gan'tong regalo mula sa mga bata. tunay na walang katumbas na anumang halaga dahil mula ito sa isang busilak na puso.



salamat, ate ia! (",)

No comments: