magmula nang sumakabilang-buhay si mama nu'ng 1993, nakagawian na namin na kada a-31 na pumunta sa sementeryo, kesa tuwing a-uno. una, bertdey ni mama 'pag 31. pangalawa, solo namin ang libingan kasi ang lahat ng kamag-anakan ay a-uno pa rin ang punta. mas konti ang trapik, konti ang tao kaya't mainam ang pagtungo sa la loma.
nu'ng huwebes, umaasa pa rin ako na gagawing holiday ni gma ang 31. pero hindi. kaya't namroblema pa ako kung paano ako aalis nang maaga, gayong may naka-iskedyul kaming konkol ng bandang alas-5. eh ano ba naman ang hindi nadadaan sa magandang pakiusap, di ba? kaya nag-drama ako sa email, at ayun, napayagan din. pagkatapos kong madaliing sagutin lahat ng mga email, dali-dali kami ni zel na umalis at sumakay ng bus patungong buendia taft. di ko masyadong trip mag-lrt kasi andami kong dala (pizza at soft drinks), kaya pinilit ko si zel na mag-fx na lang hanggang monumento. magaan pa ang trapik sa kahabaan ng roxas blvd., pero pagdating namin sa delpan hanggang sa panulukan ng c3, mabigat na ang daloy ng trapik. ang maganda lang du'n, nakita ko rin sa wakas ang lugar kung saan naroon dati ang smokey mountain. di pa talaga ako nakadaan man lang sa lugar na 'yun maski dati. nagtraysikel ako hanggang marating ko ang dome st., ang lugar kung saan nakatira sila manang niknik. sa kanya kami nakikisuyong pumasok sa sementeryo, kasi mas malapit dito kesa dumaan kami sa mismong gate ng la loma. siningil ako ng 50 pesos, kaya kahit ayaw na ng drayber na ihatid ako hanggang dome st., naipilit ko pa rin ang gusto ko! aba naman, 50 pesos na nga eh. pero sa totoo lang, malayo na 'ata talaga ang pinaghatiran niya sa akin. mula sa bandang dagat-dagatan, tinawid pa namin ang rizal av. (kung nasaan ang 5th avenue lrt station), at binagtas pa ang kahabaan ng c3, hanggang malapit na sa a. bonifacio ave. haba rin talaga!
at naroon na ang buong pamilya pagdating ko, pero wala sila ate joy. nauna na raw ng bandang tanghali. masaya kami! di agad nagsipagdasal, kasi kumain pa at natsismisan. andaming pagkain... chicken pork adobo ni tita jo; dinuguan ni ate cleo at kuya bob; pritong manok ni ate ne; barbecue ni liezl; kalamay ni ate she; at siyempre ang pizza ko! patak-patak ang patakaran ng pamilya tuwing may gan'tong salu-salo.
dami ring usap siyempre! mula sa pulitika, showbiz, mga kapitbahay sa capri, bagong mga tsismis sa barangay, hanggang sa pag-aaral ng mga bata, lalo na ni ate nice na hinihimok kong lumipat sa diliman pagkatapos ng sem na ito. di rin mawawala ang mga asaran ng mga bata! pero siyempre, sa lahat ng ingay na ito, tahimik lang si papa. ganu'n kasi talaga siya, ewan ko ba. 'tapos, nagdasal kami. simple lang, wala na 'yung mga requiem ni lola kasi siya lang naman ang nakakaalam n'un. umuwi na rin kami pasado alas-8, kasi umaambon at tumitindi na ang putik sa sementeryo.
pagdating sa bahay, nagbaraha pa kami ng mga bata. capitalism ang laro, kasali sila utoy, bang, bea, luis at ako! ang galing 'no! tinuturuan ng tito ang kanyang mga pamangkin kung pa'no magsugal! pero walang perang taya, asaran lang karamihan kasi nagkakapikunan sila utoy at luis madalas.
kinabukasan, nag-trinoma kami! laro sa timezone ang mga bata, tapos kumain kami sa kfc kasi gusto raw ni luis ng chicken. 'kala ko nga di na kami tutuloy sa trinoma kasi naman alas-5 na, di pa kami umaalis sa novaliches. ang tagal talaga ng hintayan kahit kelan! hehehehe!
ngayong tanghali naman ako dumalaw kay lola sa south cemetery. ang init! so sabi ko agad kay lola, di ako magtatagal. kasi wala ka naman talagang kahit anupamang masisilungan d'un. dinalhan ko si lola ng siopao, at pagkatapos kong maitirik ang 3 esperma, umalis na rin ako kasi bigla namang bumuhos ang ulan! tama ba naman 'yun?!!
at 'yun ang undas 2008.
pasko naman ang pagkakaabalahan ko! (",)
2 comments:
jubs, di ko alam kung san ako magpopost ng comment dito sa blog mo. This is not a comment to a particular post. This is for your blog in general. Nag-eenjoy akong basahin ang mga entries mo. Keep on writing :-) Fan mo pa din ako until now. Minsan nga, turuan mo akong magsulat. I think I will need that soon. hehe
uy ate pops, thanks! mga wala lang ang karamihan diyan! gusto ko lang makulay dahil sa mga pictures.
ba't pa kita tuturuan? eh ikaw nga ang champion sa pagsusulat!
(",)
Post a Comment