palilitawin na tinitimbang ang bawat mungkahi ng mga tao.
may paimbabaw na paglimi sa bawat salitang nakalimbag.
ngunit ang totoo, malaon nang napagpasyahan ang mga bagay-bagay.
ngunit ang totoo, malaon nang napagpasyahan ang mga bagay-bagay.
wala nang silid sa anupamang suhestyon.
dahil sa sandaling suriin ulit ang isyu...
lilitaw ang takot ng maykapangyarihan na lumabas na may mali sa kanilang desisyon.
at mapahiya sa karamihan ng tao.
ano bang nakapanghihilakbot sa pag-amin ng maling interpretasyon sa mga bagay-bagay?
wala.
iba na ang pangulo. natural, mag-iiba ang ilan sa mga patakaran.
mahirap bang intindihin 'yun?
mabawasan sana ng hangin ng kapangyarihan ang paputok nang ulo.
No comments:
Post a Comment