Thursday, April 14, 2011

singhal

marami ka ba talagang hinanakit sa buhay? o di kaya'y kakulangan ng atensyon noong bata ka pa? maaari rin namang kabawasan sa mga materyal na pangangailangan... dahil ang una mong reaksyon sa bawat bagay ay singhal. singhal sa mga tanong. singhal sa mga mungkahi. singhal sa mga walang wawang hirit. singhal. puro singhal... pinaglihi ka ba sa sama ng loob?

mahirap ngang ituro ang pag-iwas sa asal-kalyeng kinalakhan ngunit di sa lahat ng pagkakataon ay pakikisamahan ka ng mga taong nakapaligid sa iyo. pinalala pa ito ng sobrang mataas na pagtingin sa sarili at kakatwang paniniwala na lagi kang tama.
'wag gaanong maging jologs. tangerks.

2 comments:

Joy Mendiola said...

ayos, madaming tao ang may malaking problema..problema sa sarili!!!

dyoobshvili said...

hehehe! pwede naman kasing sabihin nang maayos ang anumang bagay... di 'yung laging naka-angil agad!