kanya-kanya raw ang bawat tao sa paghanap ng salidahan ng halu-halong bagot, kabiguan at suliranin ng buhay at lahat na kaakibat nitong isyu. may mga indibidwal na sadyang may positibong pananaw sa buhay kaya madalas kaysa hindi, kinakaharap nila ang mga problema nang may ngiti pa rin sa labi. anu't anuman, bahagi ang pagkakaroon ng problema ng pagiging buhay sa lupang ibabaw. kung wala kang problema o di ka naiinip, di ka na naiba sa mga taong may sakit sa pag-iisip. isang indikasyon na gumagana pa ang iyong sistemang pisikal at mental kapag nararamdaman mo pa rin ang bigat ng pang-araw-araw na pamumuhay. siyempre, paano mo nga naman matatanto ang ligaya kung di mo alam ang salitang lungkot. sabi nga ni lola ko, ang mahalaga ay humihinga ka pa rin. lahat ay lumilipas, maging ang bawat pagsubok.
sa kabilang dako, may mga tao ring negatibo ang pagtanggap sa problema. paangil ang tugon sa kapwa dahil may pinagdaraanan o di kaya'y lungkut-lungkutan ang drama. mas malala pa rito, susumpungin ng bugnot at palalakihin ang tila wala namang kabagay-bagay na usapin. sa gayon, maibulalas ang naiipong pagkasiphayo sa kasalukuyang kalagayan. mauuwi ito sa pag-ungkat ng kung anu-anong malaon nang isyu at pagkatapos ng mala-teleseryeng balitaktakan, sigawan at litanya, di mo na mawawari kung bakit nangyari ang eksena. maaaring bunga ito ng prustrasyon sa kinahihinatnan ng kanyang buhay, problemang pinansyal o dala ng simpleng pagkapagal ng katawan sa tambak na gawaing pambahay. ngunit sabi ng marami, ang pagod na puso't isipan ang higit na nagbubulid ng salansang na gawi ng isang tao. magiging malubha ang negatibong gawi kung ang tao ay likas na may rebeldeng pag-iisip, sumpungin o nakagawian na niyang magalit sa mga taong nakapaligid sa kanya. maaaring nalimot lamang niya sumandali ang kanyang personalidad dahil sa kasalakuyang ginagalawan ngunit kapag nabugnot nang tuluyan ay magbabalik sa likas na salansang na pagkatao.
kung salidahan lamang ng prustrasyon ang hanap, maraming maaaring pagkaabalahan. kung walang pera, magtimpla ng kape't maupo ka sa harap ng iyong bahay at manood ng mga tao. tiyak na maaaliw ka sa paroo't parito ng mga taong may kanya-kanya ring problema at mga kakatwang nilalang ng zombieland. kung may naitabi at walang binabayarang araw-araw ang singilan, maaari kang mag-mall… malamig at maraming puwedeng gawin o mamasyal sa mga pampublikong liwasan. kundi naman kayang mamasyal, maano ba naman 'yung maglakad-lakad nang makapagbanat ng butu-buto. o baka naman kulang ka lang sa ligo? bagamat malamig ang panahon, para kasi sa maraming pinoy (kasama ako), ang simpleng ligo lamang ay sapat na upang umaliwalas ang pag-iisip.
higit sa lahat, pagtanggap at kasiyahan sa kung anong mayroon ka sa buhay mo ang pinakamaiging panlaban sa bugnot. di lahat ng taong isinadlak ang sarili sa putik ay nakababangon at nakasusumpong ng pamilyang patutuluyin ka sa kanilang tahanan at isa itong malaking biyayang dapat na ipagpasalamat. maaaring di na tulad ng dati ang iyong katayuan sa buhay. ngunit di ba dapat ay magpasalamat ka pa rin na kahit minsan sa iyong buhay ay naranasan mo ang maalwan na buhay? di naman kailangan ang limpak-limpak na salapi. hangga't may bubong kang titingalain at panlaban sa elemento ng panahon at kumakain ka pa rin ng tatlong beses isang araw, masuwerte ka pa rin sa higit na nakararaming tao sa mundo. kailangan lamang na baguhin ang pananaw sa buhay. di dapat maging mapaghanap.
alalahanin lagi… lahat ay napag-uusapan at ang bawat problema ay may karampatang solusyon. di na kailangan pang magpakabugnot at gumawa ng eksena upang makapaghatid ng statement.

No comments:
Post a Comment