anong plano mo? mukhang wala pa ring naiisip para sa iyo eh. parang hirap na isingit sa kahit na anong grupo. dalawang buwan pa lang naman pero kung mayroon talagang may gusto sa iyo, dapat disyembre pa lang ay may medyo malinaw nang maaaring pagtapunan. pero matatapos na halos ang enero at tila wala pang kasiguruhan. gagawin pa rin daw ang bagay na ginagawa, kaya't walang pagbabago nitong dalawang buwan.
sabi ng marinero, wala pa nga raw. pero sa kalaunan, gusto raw niyang makialam ka sa mga may kinalaman sa pinas. wala sa kalahati ito ng kabuuang papel pero 'yung mas malaking bahagdan ng sandaang porsyento, nakasulat pa rin sa hangin. para tuloy nagiging lokohan na yata ito. lokohan kasi nagpabola ka sa saliw ng mga salita noong disyembre gayong 'yun na ang pinakamainam na panahon upang makaalpas. ngayong 2013 na, tila bokya pa rin. umariba na nga ang marami. maliban sa iyo.
baka kailangan na ngang magtanung-tanong at mag-imbestiga. mas ok pa rin ang may alternatibo. lalo na nga't mukhang ipagsisiksikan pa rin ang mga ayaw mo.
No comments:
Post a Comment