kapag
nasarapan sa pagkain, gusto mo pa kumuha ulit.
kapag
nalugod sa gawain, susubukan mo ulit.
kapag
naligayahan sa palabas, ok lang panoorin ulit.
kapag
umayon sa iyo ang tadhana, maano ba namang umulit.
kapag
ngumiti ang langit, walang pagdadalawang-isip na umulit.
kapag
pabor ang pagkakataon sa iyo, sige lang na umulit.
kapag
wala namang balakid, bakit di nga ba muling umulit?
pero...
pero...
paano
kung di na ganoon kasaya gaya n'ung una?
paano
kung matabang na sa pangalawang pagkuha?
paano
kung di na ayon sa iyo ihip ng abentura?
paano
kung sadyang wala nang wawa?
sisige
ka pa ba ulit?
susubok
ka pa ba ulit?
susuungin
mo pa ba ulit?
susugal
ka ba ulit?
uulit
ulit?
No comments:
Post a Comment