Wednesday, June 30, 2010

p-noy

makasaysayang araw. nawa'y manaig ang pambansang pagpupunyagi upang magkaroon ng tunay na pagbabago at maiahon ang naghihingalong bayan... sa ilalim ni p-noy. pagsasa-ayos ng edukasyon, imprastruktura, ekonomiya't pananalapi, pagtugon sa hinaing ng mahihirap at pagkitil sa malaon nang nakasanayang maruming pulitika - ilan lamang sa mabibigat na isyung kailangang kaharapin ng administrasyong aquino. ang lahat ng ito'y di maisasakatuparang kung walang papel na gagampanan ang taumbayan. kailangan ng aktibong pakikibahagi sa pagbangon ng ating bansa. tagumpay ang hangad ko sa anim na taon ni p-noy.

No comments: