Sunday, August 14, 2011

kap

62 na si kap.
nagkaroon ng misa.
nagsimulang umambon kalagitnaan nito.
pero bumuhos lang pagkatapos ng komunyon.
'ikaw' ang kanta sa pag-aalay.
special request daw ni tita.
dumating sina tsong tino at kanyang pamilya.
nandun din ang mga ka-couples nila papa at tita.

daming pagkain.
apaw ang pancit.
may lechon pa mula kay mayor bistek.
palabok, puto't kutsinta nila tsang charing.
dinuguan ni kuya ato.
pancit ulit galing kay waldy.
wala pa dun ang menudo ni kuya omeng!


buo ang pamilya.
masaya kami't kapiling namin si papa.
kahit di siya nagsasalita.
at si tita lang ang kinakausap.
malakas pa rin kumain si kap.
at mukha naman siyang masaya.
mas mahusay na kalusugan para sa iyo.
alagaan mo ang sarili mo.
sa marami pang taon, pa.
sa akin ka na lang walang apo.
mahal ka naming lahat.

No comments: