bibili raw ng laptop si ate ne para kay jel. kaya kahit maulan, larga kami papunta sa sm north edsa cyberzone nitong ika-7 ng agosto. sabi ni ate ne, mas maigi raw siguro kung aagahan naming dalawa ang punta sa sm para nakakuha na kami ng laptop bago pa dumating sina ate she, kuya bob at liezl. pero naglinis muna ako at nakaalis sa makati ng alas-2 ng hapon. awa ng diyos, pasado alas-4 na dumating si ate ne! nakabili na kami ng kung anu-ano at nakalakad na sa buong kahabaan ng sm annex bago pa siya dumating.
pagkatapos ng mahaba-haba ring proseso ng pagpili ng model, nakakuha na rin kami. dell ang napili ni ate ne para kay jel. mas mataas ng kaunti ang presyo pero kumpleto na ito ng lahat ng kailangan.
tapos nito... siyempre kainan na! dahil gustong-gusto ko ang manok sa savory, sa savory kami kumain! prayd tsiken at yang chow sinangag lang, solb na solb na ako. bukod sa max's, itong sa savory ang isa sa mga paborito kong fried chicken, may kakaiba itong linamnam at swak na swak sa aking panlasa. walang anumang piktyur ng mga pagkain dahil inubos namin ang lahat! sa susunod ulit!
No comments:
Post a Comment