Sunday, July 17, 2016

TPLEX

sa pagitan ng TPLEX and SCTEX
sa banayad at tuloy-tuloy na pagtakbo ng sasakyan ni ama
sa malagihay na pag-upo sa likod ng adventure
sa mabilis na pagsumpong sa bahaging ito ng pampanga.

maulan ng mga oras na iyon
makulimlim ang kalangitan
makapal ang kaulapan
madilim ang dako pa roon.

dagling tumigil ang ambon
dumating ang linaw sa papawirin
dumaiti sa paningin ang tanawin
dumatal ang saya't tuwa.

binuo mo ang masayang katapusan ng linggo
bumusilak pang lalo ang malawak na kawalan
bumugso ang masaganang galak
batiin ka ba naman ng ganitong ganda!


No comments: