hanggang ngayon, wala pa rin akong lilipatan. sa a-kinse, dapat nakalisan na kami sa macabulos dahil hanggang doon na lang ang upa namin. kundi ako makahahanap ng bahay sa loob ng linggong ito, pipili na lamang ako sa mga bagay na ito:
- umuwi sa novaliches at kabakahin ang araw-araw na biyahe mula bayan patungong istasyon ng mrt sa north ave., at makipagsiksikan sa mrt!
- makituloy muna sa isang room for rent na malapit sa kasalukuyan kong bahay
- bayaran ang kabuuan ng upa sa macabulos
- maghintay ng bagong makakasama sa bahay na maaaring umupa sa kabilang kuwarto.-
- subukan pa ring humanap ng bagong bahay.
hay naku! sadya nga yatang masuwerte ang bahay na 'yun sa lahat ng mga tumira d'un. si sandra, nasa amerika na; si chukie ay nasa vietnam; si shawie ay nasa dubai; si princess ay nasa saudi; si charmie at ako ay nandito pa rin sa pilipinas ok naman ang mga karera; at ngayon si farrah naman ay aalis na patungong dubai.
'tapos ng mahigit 8 taon, kailangan ko nang lumipat. kung biniyayaan lamang ako ng ibayong laki ng sahod, makakakuha ako ng mga yunit na singganda ng mga nasa baba, pero dahil sa kailangan ko ring isipin ang mga bagay-bagay tulad ng pag-iimpok, kailangang maging masinop sa pagpili. may napuntahan pa nga ako sa batangas st., pio del pilar, nasa limang libo na pero napakaliit ng yunit na 'yun! meron namang tig-7 libo at nasa ikaanim na palapag pero parang di ok ang pakiramdam ko sa lugar. kaya 'wag na 'yun.
haaaaayyyyy... makahanap na sana ako!
3 comments:
Oi jubs, gusto mo samin tumira pansamantala? Kailanagan namin isang room mate.
huy dad. 'sensya na. nakahanap nga ako nung wednesday, then na-finalize the following day. (",)
Hello Jubs,
Hindi mo namimiss yung macabulos? nakailang weekends din ako dun na nakitulog. hope your new place is okay din...if not better
-allan (www.allandiaz.multiply.com)
Post a Comment