Wednesday, July 27, 2011

breivik

"buktot ngunit kinakailangan". ganito inilarawan ni anders breivik ang kahindik-hindik na masaker sa norway nitong nagdaang araw. walo ang namatay dahil sa mga pagpapasabog sa oslo, 69 naman ang nasawi sa utoya at mahigit sa 100 ang nasugatan.

isa sa pinakamaunlad na bansa ang norway sa buong daigdig. palagiang nangunguna sa mga listahang ukol sa kaginhawaan ng buhay, uri ng pamumuhay at kung anu-ano pang mga datos ukol sa ekonomiya't pambansang pananalapi. kaya di gaanong maiisip na mangyayari ang ganitong insidente sa isang progresibong bansa. mabilis naman ang galamay ng batas sa kanila, kaya't nasakote agad ang sinasabi nilang maysala.

kapayapaan para sa mga nasawi't kani-kanilang mga naiwan.

No comments: