Thursday, February 14, 2013

puso


“Di baga’t maramimg puso sa sagingan;
May pusong saba’t may puso ng tundan;
May pusong dalaga at puso-pusuan,
Mayroong pusong tapat at pusong salawahan.”

“Ako’y nagtanim sa lagwerta ng puso;
Puso ang tinamnam, puso ang tumubo;
Puso ang nagbunga, ibinunga ay puso;
Puso ang kumitil, kinitil ay puso.”

“Ang tao pa raw ang buhay parang dagat
Sa tao ang puso’y tunay na layag;
Layag ay timbangan ng paraw sa lawak,
Ang puso ng tao’y timbangan ng palad.”

“Sa paglalayag mo sa dagat ng buhay;
Ang layag ng puso’y dapat alagaan;
Kung humahabagat, magdagdag ng tibay;
Huwag katiwala kung umaamihan.”

“Ngunit ang puso ng magulang
Ang may tunay na pagmamahal.”

- Pusu-pusuan (katutubong awit sa Batangas, Laguna at Bulacan)

No comments: