di
ako marunong magbisikleta. ‘yun ‘yung isa sa mga bagay na di ko sinubukang
matutuhan n’ung bata ako. baka siguro ayaw kong dumaan sa pagsemplang at
magalusan o mapahiya sa mga kalaro ko. basta, di lang ako nahilig. hanggang sa nagbinata
at ngayong nagtatrabaho na, di ako marunong magbisikleta.
iniisip
kong pumunta sa mueang boran nitong nakaraang weekend habang nasa bangkok ako. pero
malawak daw ito. sobrang lawak. kailangan mong magrenta ng golf cart na
siyempre ay sobrang mahal. isang alternatibo ay magrenta ng bisikleta. 150 baht
lang sa loob na ng isang araw na pag-iikot sa old city. pero di nga ako
marunong magbisikleta. sabi pa nga ng babae sa nantra ploenchit, pwede raw ako
mag-bmx. eh di nga ako marunong magbisikleta di ba.
isip-isip.
tutuloy ba o hindi? baka rin kasi wala akong maka-share sa renta ng golf cart. ‘tsaka
baka umulan. ending? ‘wag na lang. sa susunod na lang kung kailan may kasama
ako. mahal ang magagastos kasi di nga ako marunong magbisikleta.
nag-ikot na lang ako sa nana at asok. at doon ay nag-bmx… bili ng murang xces.
No comments:
Post a Comment