palpak
ang unang motorcycle taxi driver. sabi ko, sa soi plukchit. ayaw ko kasing
lumakad. pero gusto kong kumain ng streetfood. di niya ako maintindihan. “plukchit,
plukchit”, sabi ko. mukhang naintindihan na rin, o di sige, diretso na kami. binaybay
ang wireless road at kumanan sa rama 4. “plukchit.”, sabi ni manong. pinababa
na ako ng motor. “huh? plukchit?”, tanong ko. tango ni manong at “plukchit.” pero
walang kainan. walang mga kariton, ni walang ilaw ang soi na ‘yun. “80 baht”,
sabi ni manong. pakinangsyet. naloko ba ako o di niya lang talaga alam? syet. umalis
na si manong. lakad-lakad ng konti. tanong sa ibang manong at sumakay ulit ng
motor. 20 baht para dalhin ako sa tunay na soi plukchit. namputsa, 2 kalye pa
pala.
eh
di ito na nga. nakarating ako sa soi plukchit. sa wakas, nasilayan ko rin ang
hinahanap ko. matao. mausok at karami ng pagpipilian. mula sa tom yum koong at
kung anu-anong may curry. pero nakapili na ako. inihaw na isda at papaya salad.
sawasdee
krab! kaunting kambyo at dumating na rin ang pagkaing hatid ng lahore, pakistan.
aroi mak mak. may thai iced tea na matamis siyempre!
adventure.
parte ng pagtuklas ng mga bago sa bangkok ang pagkaligaw. may mini-night market
pa doon pero wala akong binili. gabi na.
pagbalik
sa sivatel, 50 baht lang pala dapat ang bayad sa motor. mukhang nagoyo nga ako.
buti na lang masarap ang pagkain.
No comments:
Post a Comment