Tuesday, July 15, 2008

binatog

'pag gan'tong maulan, may pabugso-bugsong ambon at malamig ang simoy ng hangin... kakaibang galak ang dulot ng mga kakaning tulad ng binatog! sarap kumain nitong mainit, malagkit at bagong hango na pinakuluang butil ng mais, pinaibabawan ng ginayat na niyog at may kaunting asin! haaayy! sarap! samahan mo pa ng toknene at señorita, ayos ang buto-buto!


sana sa susunod na linggo, champorado naman ang masumpungan ko! (",)

No comments: