Thursday, July 17, 2008

sandaan

nakakuha ka na ba ng sandaang salaping papel na may limbag sa ibabaw na imahe ng UP obleysyon??!!! ako, oo... kahapon nang mag-widro ako sa metrobank, glorietta. ipinagbibili rin ang mga ito, sa halagang 1000 pesos (nasa isang polder, may apat na salaping papel) mula sa kawing ng UP Diliman. maaari ring makakuha nitong aytem-pangkolektor na ito sa UP Alumni Center.

ibang klase talaga ang impluwensya ng UP! maging pera ng bansa, maaaring dagdagan ng anumang palamuti alinsunod sa pagdiriwang ng
sentenaryo ng pamantasang hirang. higit na tataas ang ihi ng mga palalong isko (tulad ko!) dahil sa mga bagay na tulad nito na nagpapatibay ng mataas na pagtingin sa UP, sa tradisyon nito, kalidad ng edukasyon, malayang pamumuhay ngunit nakakimpal sa responsableng pakikibaka at kabuuang pinakadiwa ng dalisay na kabuuran ng pamumuhay sa 'pinas.

sapagkat di ko napuntahan ang anumang pagtitipong ukol sa sentenaryo nitong mga huling buwan, itatago ko na lang muna ang apat na pirasong ito ng sandaang UP piso ko! tumaas nga sana ang halaga ng mga ito sa pagdating ng panahon... o ayon kay alvin, may bumibili raw nito sa halagang 250 pesos bawat isa. nasa'n kaya ang taong 'yun?! (",)

No comments: