Wednesday, September 25, 2013

buwaya

Raid sa Divisoria by NBI...

NBI: Fake mga bags na ito, ah !
Tindera: Hindi Sir, lokal ang mga ito!


NBI: Lokal ang YSL?
Tindera: Oo naman! "Yari Sa Laguna!"


NBI: Hmmm... Ang DKNY?
Tindera: Gawa sa "Divisoria Kanto Ng Ylaya!"


NBI: Ang GQ, local pa rin?
Tindera: Op kors! "Galing Quiapo!"


NBI: Lusot palagi ah... eh ang Lacoste?
Tindera: Hay naku Sir... 'yang buwaya? Galing Congress!






salamat sa malaking tawa sa umagang ito, taga UP Diliman group. pero siyempre di dapat tumigil sa pagbabantay sa kaban ng bayan at matamang tingnan ang galaw ng mga kawatan sa pamahalaan. ang perang pinaghirapan ay dapat mapunta sa mga proyektong kapaki-pakinabang at maging instrumento sa pangkalahatang pagbuo ng maunlad na bansa.

No comments: