Monday, March 28, 2011

bote

marso 26, saksi kami sa pag-iisang dibdib nina christine at greg. idinaos sa church of the risen lord sa UP diliman ang kasal habang ang piging ay sa glass garden, marikina. may madadamdaming mga tagpo sa kasal, ngunit sa kabuuan ito ay pagdiriwang ng pag-ibig, pamilya at pagkakaibigan.

tipikal kay mark, di siya nagsuot ng anumang pormal... naka-maong ang lolo mo, habang ang lahat ng bisita ay sumunod sa direktiba ng mga ikakasal. natagalan pa nga ang biyahe ko papuntang UP diliman dahil pinili ng drayber ng taksi na sa sta. mesa dumaan at hindi sa edsa. ngunit, ok na rin. dahil sa medyo huli ako, nakita at napiktyuran ko pa si christine, bago ito pumasok sa simbahan. sa gitna ng kasal, nalaman namin na nandoon din si ma'am berdin, ngunit di ko siya napansin.

pagkatapos ng mahaba-haba ring paikut-ikot sa paligid ng marikina, natunton din namin ang resepsyon. pagpasok namin ay fotobut muna at ilang piktyur-piktyur. sa loob, nakausap na namin ang aming butihing tagapayo, gng. erlinda berdin. ito ang una naming pagkikita pagkatapos ng aming pag-graduate sa pablik. masayang huntahan at kumustahan, pati na rin sa aming ibang mga guro tulad ng mahusay na si ma'am norma pacaigue, ma'am josefina santos, ma'am luisa tesorio, atbp. (",)

No comments: