Tuesday, March 22, 2011

halo-halo

araw ng sangkatutak na pagkain ngayon! kwaresma na kaya't dapat ay hinay-hinay sa pagkain. ngunit dahil sa umiinit na simoy ng hangin, nagbabadya na ang matinding tag-init... bagay lamang na maglunoy sa tuwang dulot ng higanteng hain ng halo-halo!

natikman ko na ang ais kacang ng malaysia at cendol ng thailand, ngunit sadyang walang katulad ang halo-halo ng pinoy. tamang-tama ang tamis, maraming sahog, makulay at tighaw-uhaw at gutom. kahit nga bunsol na bunsol na ako sa kumbinasyon ng pizza at halo-halo, inubos ko pa rin ang halo-halo hanggang sa pinakamaliit na piraso ng gulaman.


ngayon? makaidlip nga...

No comments: