Tuesday, March 29, 2011

menopause

patapos na ba ang daloy ng mga itlog sa sinauna mong sinapupunan? nararamdaman na ba ng iyong katawan ang malaon nang naka-programang pagtigil ng pagsiphayo ng mga pambabaing hormon? o sadya lang na likas na sa iyo ang kawalan ng rason at dagling pagsambulat ng mga litanyang di naman kailangan?

maaaring ang kumbinasyon ng pag-urong ng regla at likas na pagiging matabil at di rasonable ang dahilan kung bakit kailangang sumawsaw sa lahat ng isyu at pakialaman maging ang pinakamaliit na mga bagay.

kunwari'y may malasakit... pilit na ipinahahatid ang pabalat-bungang mga lapit-damdamin. ngunit ang totoo, walang anumang pagtungod sa nararamdaman at mga balakid sa iba. tumitingin lamang sa pang-ilalim na mga garantiya upang magpalapad ng papel sa iba. puro sumbat at panakot ng kung anu-ano... di na ako magtataka kung bakit walang anumang respeto mula sa mga naubos na ang pasensya at nagsilisan.

marahil, hinihintay mo na lang din ang pagsuko ng mga nagsipagtiis... lalo na't sa likod ng iyong makitid na isipan, anu't anuman, makahahanap din ng masisilo na maaaring humalili ng ilang buwan, hanggang sa matumbok din ng mga bagong tao ang iyong kabulukan.

bakit kaya di ka na lang maging maaantuking menoposal na babae?

2 comments:

Joy Mendiola said...

may patama ba to sa 'kasamahan'? sana mag tumigil na ang pangingitlog sa aking sinapupunan ay di ako maging isang babaeng sobra ang kasungitan...

dyoobshvili said...

di ka naman siguro magiging sobrang sungit! depende pa rin sa personality, 'te joy! heheheh!