buwisit na metrobank ito. sobrang tagal na nga ng paghihintay para matawag ang numero mo, kung anu-ano pang kailangang bayaran at hingiin para matapos lang ang transaksyon.
magdedeposito ako ng pambayad sa tutuluyan namin sa boracay ngayong darating na mayo. sangay ng metrobank sa boracay ang bangko nila, kaya't natural na sa metrobank ka rin kailangang magdeposito. may 50 pesos daw na kailangang bayaran. di ko alam na may ganitong kailangang bayaran, kaya't naturalmente, nagtanong ako. sagot ng matandang buwisit na teller number 2 ng metrobank leviste (G/F Plaza Royale Bldg. 120 LP Leviste St., Salcedo Village): "dahil po probinsya". ok. abot naman ako ng 50 pesos. tanong pa ng matandang buwisit na teller na 'yun: "ok lang po?" kundi ba naman abut-abot ang katangahan ng babaing ito, nagtanong pa. natural, wala kang ibang pagpipilian kundi magbayad ng 50 para sa serbisyong iyon. kung maaari lamang magdeposito sa BPI para sa metrobank, pupunta ba ako sa metrobank at sa branch pa nila?

ilang taon na rin akong nagbabayad ng hsbc sa metrobank branch na 'yun. tanging ang buwisit na matandang teller lang na ito ang nanghingi sa akin ng payment slip upang mabayaran ang bill ko. lahat ng ibang teller, sa bill na mismo pini-print ang kung anumang mga kailangang i-print bilang patunay ng kabayaran. buwisit na matandang teller na ito, palagay ko'y pinalalapad lang niya ang papel niya't siya ang nasa mas maykapangyarihang banda. matatanggap ko pa kung sumubok siyang magpaliwanag na di kaya ng kanyang printer na mag-print ng maayos sa bill mismo. buwisit siya. masuwerte siya at di ko mabasa ang pangalan niya sa kanyang ID at wala na akong enerhiya upang magreklamo kay ms. maylene. pero buwisit pa rin siya. buwisit!
buti na lang at naibsan ang kabuwisitan nang makabalik na ako sa opis. may kung anumang di mawari sa nais sabihin ng isang thai analyst kay ma'am kr. wahahahaha!
No comments:
Post a Comment