“ang hirap nga lang kung si jessica soho ang magbo-bold. kailangan gang rape lagi. sasabihin ng rapist, ‘ipasa ang lechon.’ sasabihin naman ni jessica, ‘eh nasaan ang apple?!’” - vice ganda.
napakaramingbumatikos. napakaraming opinyon ang ikinalat ng mga netizen. lalo pang naging
mas malaking usapin nang umariba at makisawsaw ang mga taong umupinyon tulad ng
mga reporter ng gma 7.
oo
nga’t di dapat gawing katatawanan ang panggagahasa dahil ito ay seryosong
usapin, ang tanong pa rin dito ay kung di kaya si jessica soho ang ginawang
sentral na karakter ng patawang ito ay makakakukuha ng reaksyon sa mga taong
ito. malamang hindi. pero dahil sa pinagpipitaganan ang pangalan, mabilis pa sa
alas-4 na nagsipagkumento ang mga mamamahayag na nabanggit at gumawa ng
malaking brouhaha. isama mo pa ang matinding kumpetisyon sa pagitan ng abs-cbn
at gma kaya lalong naging sensasyunal ang paksa. halata rin na di pinanood ng
gaya ni arnold clavio ang kabuuan ng clip kaya kung anu-anong walang kabuluhan
ang komento nito na kesyo bakit hindi mga taga-abs ang inasar ni vice ganda,
gayong kasama naman sa skit ang mga pangalan nina kris aquino, boy abunda at gus
abelgas. dapat din itong tingnan ng may tamang perspektibo dahil ang buong skit
ay may kinalaman sa paggawa ng pelikulang seks ang tema. alam ng lahat na ang
panggagahasa ay isang matagal nang paksa sa mga pelikulang ito at hindi tunay
na buhay kumbaga ang pinag-uusapan.
bahagi
na ng pang-araw-araw na asaran ang pintasan sa kaanyuan. pinoy na pinoy na
kulitan kumbaga kaya di dapat gawing isyu ni arnold clavio ang mga jokes
tungkol sa hitsura ng tao. wala pa nga kasi tayo sa lebel na may intelektwal na
tawanan sa pangmadlang libangan. katatawanan at pawang walang kapararakan ang
mga pinaggagawa ni vice ganda. di siya ang indibidwal na sineseryoso kahit pa
nga pilit niyang hinahaluan ng intelektwal na mga linya ang iba niyang
binibitiwang mga salita. kung ang kanyang tinatarget na masa ay natatawa sa mga
ganitong hirit, hayaan natin sila. hayaan nating ang higit na kalakhan ng
taumbayan ang humusga kung nakakatawa nga ba o hindi si vice ganda. maging
mapanuri at hanapin ang tamang konteksto bago makibirada sa daloy ng madla. ‘wag
masyadong balat-sibuyas.
No comments:
Post a Comment