di gaanong malamig ang simoy ng hangin ngayong disyembre. umulan pa nitong mga nakaraang araw. pagbabagong-klima nga ang dahilan. ngunit di nito napigilan ang masayang salu-salo sa amin sa novaliches. bukod kay izhi, lahat ng bata ay nasa hayskul na kaya naman umaatikabo ang asaran at tawanan. isama mo pa ang di magkamayaw na mga hirit ni ate she, tita, kuya bob at liz. siyempre, niloloko rin namin si papa! haha!
may caldereta ni tita, nag-ispageting pangmayaman naman si kuya bob, may fruit salad si ate she,may mango float si liz, may lechon kawali at fried chicken. ayos ang buto-buto! alas-10 pa nga lang, pumapalok at kumukurot na sa lechon kawali eh. kaunting kape lang at nag-alas dose na rin. bigayan muna ng kaunting mga regalo bago nagsikain. siyempre, tuloy-tuloy din ang hiritan, lalo na kapag nagsasalita si luis! gising pa ang lahat hanggang alas-3 dahil sa mga tawanang ito. salamat kay ate nice para sa mga piktyur na ito.
salamat Po sa biyayang hatid ng pamilya.
No comments:
Post a Comment