di naman ako maka-starbucks talaga. mas gusto ko sa coffee bean and tea leaf. pero dahil nasimulan na ang koleksyon ng sticker para sa 2014 planner, tinuloy ko na. nagkaroon ako ng mga sticker dala ng mga meeting kasama ng philippine team. wala akong balak bumili ng kape kaya hintay-hintay lang kung sino ang bibili, baka sakaling maambunan ng tatak. suwerte namang dumating si det sa get-together kasama ng mga ex-idcers sa cafe juanita. binigay sa akin ang card niya at boom! biglang 3 stickers na lang ang kulang para makakuha ng planner. isa pang meeting at naging isa na lang ang kakailanganin. at dahil isa na lang naman ang kulang, bumili na ako ng christmas blend.
oo. isang tall hot peppermint coffee lang ang binili ko para makasungkit ng planner ng starbucks. di gaya ng mga nagdaang taon na halos 6 hanggang 10 ang kailangan kong bilhin para mapunuan ang card. bakit ba kasi ako bibili kung may ibang paraan naman di ba?! bibili ako ng tea latte ng coffee bean o kaya sa chatime. hehe!
siyempre kailangan kong banggiting tumpak ang spelling ng pangalan ko! madalas kasi kaysa hindi, laging mali ang ispeling 'pag bibili ako sa starbucks. nandiyang maging jobert, hubert o kaya joebert. minsan pa nga ay rupert! di ko alam kung mahina ako magsalita o di maintindihan ang pangalan ko pero talagang laging natataon na 'pag sa starbucks ay mali ang spelling ng pangalan ko. katuwa na magkaminsan ay may tama rin sila! haha!
panahon na para maglagay ulit ng tanda sa mga key dates ng 2014. happy new year!
No comments:
Post a Comment